Wednesday, May 22, 2013

Malaparaisong Lucban! (Paradisiacal Lucban!)

Halos taon-taon tuwing Pista ng Santo Isidro Labrador o ang tawag nila'y “Pahiyas” ika-15 ng Mayo, ay pumupunta kami sa Lucban, Quezon Province para makipamiesta. Tagarito ang aking asawa, at kaya naman, parang kailangang nandito kami tuwing piyesta. Dito, nagpapahiyas ang bawat bahay na dadaanan ng parada.

(Almost every year on the feast of St. Isidro Labrador or commonly called “Pahiyas Festival” on the 15th of May, we go to Lucban, Quezon Province to join the festival. My husband is from here so there seems a need to be here every festival. Here, every house where the route of the parade passes through is decorated.)




Ipinapahiyas nila ang kanilang mga ani tulad ng palay, sari-saring gulay, prutas, halaman, luya at kahit ano pang ani nila.

(They adorn their houses with their harvest like rice, different kinds of vegetables, fruit, ginger and any other harvest they have.)

Nagiging mas kaakit-akit ang kanilang mga pahiyas dahil sa kakaibang disenyo ng likhang-kamay at likhang-isip sa pagsasaayos ng mga pahiyas upang ito’y kaaya-ayang tingnan.

(The decorations become more attractive because of the unique designs, craftmanship, and the artistic/creative arrangements of the decors in order to look astounding!)



Kakaibang disenyo ng likhang-kamay at likhang-isip ang mga pag-aayos nila ng mga pahiyas.

Ipinapahiyas din nila ang kanilang mga produktong gawa sa kamay tulad ng sombrero, bayong, basket, pamaypay, anok at iba pa.

(They also adorn their houses with handicrafts like hats, hand woven baskets, hand fans, scarecrows and others.)
Ipinapahiyas din nila ang kanilang mga produktong gawa sa kamay tulad ng sombrero, bayong, basket, pamaypay, anok (scarecrow) at iba pa.
Higit na kabigha-bighani din ang makukulay na “kiping” na karaniwang kasama sa mga ipinapahiyas tuwing piyesta. Ang kiping ay ginagawang mahabang arangya (chandelier) na maaaring mula sa bubungan ng kanilang bahay hanggang sa lupa.


(More interestingly spectacular are the colorful rice wafers called “kiping” that are usually included as one of their decors every fiesta. Kiping is made into a long chandelier that can be as long as from their rooftops to the ground level.)

Ang kiping ay gawa sa galapong hinaluan ng matitingkad na kulay. Ibinubuhos ang galapong sa ibabaw ng tunay na dahon ng punong kahoy para mamoldeng hugis dahon din ang kalalabasan. Pinapasingawan ito at pagkaluto, tinutuklap nang dahan-dahan ang dahon tsaka binubutasan, dinadaganan habang ito'y pinapalamig hanggang nagiging malutong at makulay na hugis dahong “kiping”. Tinutuhog isa-isa at ginagawang arangya tulad ng nakikita sa tabi ko o bulaklak na hawak ko o gawing anumang disenyo na nais mo.

(Kiping is made from rice dough mixed with vibrant colors. The dough is poured into real tree leaves so the end products are shaped like real leaves. The leaves with dough toppings are then steamed. Once the dough is cooked, the leaves are carefully removed, put a hole on them, pressed while allowing them to cool off until they are crunchy colorful leaf-shaped “kiping”. Then they are skewed one by one and  made into chandeliers like what you see on my side or flowers like the ones I’m holding or into any designs desired.)    




Ang “pahiyas” ay Tagalog na salita na ang ibig sabihin ay “dekorasyon” na hango sa salitang Espanyol - decoracion. Kaya tinawag na “pahiyas” dahil sa kaugaliang idinedekorasyon ng mga Lucbanin ang kanilang mga ani sa araw ng santo patron ng magsasaka na si San Isidro Labrador bilang pagpapahayag ng kanilang pasasalamat sa masaganang aning natatamasa nila.

(“Pahiyas” is a Tagalog word that means "decoration" in English. "Dekorasyon" originated from the Spanish word, "decoracion". So called “pahiyas” because of the locals’ tradition on decorating/adorning their houses with their harvest in honor of the patron of the farmers, Saint Isidro Labrador as an expression of their thanksgiving to Him for a bountiful harvest.)


Taon-taon, napapansin kong paganda nang paganda ang kanilang pahiyas dulot na rin siguro ng pag-unlad ng teknolohiya at makabagong kaalaman ng mga tao. Ang pagdiriwang ng piyesta at pagpapahiyas ay pagpapakita ng buhay (adj. form - alive) na kulturang Pinoy. Naihahayag ang pagkarelihiyoso, pagkamalikhain at pagkamatulungin ng mga Pinoy! Nagbabayahihan/nagtutulungan ang mga magkakapitbahay, kaibigan at kamag-anak sa pagpapahiyas ng kanilang mga bahay! Nagagawaran ang mga bahay na may pinakamagarbong pahiyas. Sa taong ito, nakakuha ng P100,000.00 na halaga ang unang gantimpala. Nakakapagpaganang pagandahin pa lalo ang kanilang pahiyas dahil sa mga premyong natatanggap nila!

(Every year, I observe that their decorations continue to get better and better. It could be due to the technological advancement and the modern know-how of the people. Celebrating fiestas and adorning houses characterizes our Filipino culture! It represents religiosity, innovativeness/creativity and the “bayanihan spirit”/cooperativeness of the Filipinos. The neighbors, friends and relatives collaborate in adorning their houses. Those with the most adorned houses get awards. This year the most adorned house garnered P100.000.00 award. They are more motivated to make their decorations beautiful because of the award incentive.)

Halos 'di mahulugan ng karayom sa dami ng mga tao!

Maraming mga dayuhang dumarayo sa Lucban lalo na sa okasyong ito. Halos 'di mahulugan ng karayom sa dami ng mga tao! Sa mga bisitang may kaibigan o kamag-anak na tagarito, meron silang inaasahang masasarap na pagkaing nakahanda sa kanila tulad ng pancit, pastel, llanera, embotido, kare-kare, litson, kaldereta, longganisang lucban, puto, leche flan, suman, espasol at marami pang iba. Bukod sa masasarap na pagkaing lutong bahay, maaari pa ring subukan ang halo-halo ni Aling Salud na ubod ding sarap dahil punong-puno ito ng sangkap! Liban pa roon, maaari ding tikman ang pancit habhab sa kalsada at ang pilipit na inilalako sa buong kabayanan!

(Many foreigners visit Lucban especially during this occasion. It’s packed out (there’s no space to drop a needle because it’s too crowded) with many people. For visitors who have friends or relatives from here expect delicious food prepared for them like pancit, pastel, llanera, embotido, kare-kare, litson, kaldereta, longganisang lucban, puto, leche flan, suman, espasol and many more. Apart from the delicious homemade food, you can also try Aling Salud’s scrumptious halo-halo with complete fixings! Apart from that, you can also try the pancit habhab on the street or the pilipit which is peddled around the town.)

Tikman ang pancit habhab.
Ang pilipit na inilalako sa buong kabayanan! 
Subukan ang halo-halo ni Aling Salud na ubod ding sarap dahil punong-puno ito ng sangkap at nasa basyong lata! 

Pag piyesta, meron ding parada, siyempre! Nagsisimula ito ng alas kuwatro ng hapon. Kasama sa parada ang mga naggagandahang dalaga't binata, suot ang mga Pilipinong kasuotan. Kasama rin ang mga batang majorette, banda, mga pinakamalulusog at malilinis na kalabaw, kabayo, at mga higante na nagdadala ang kasuotang produkto ng Lucban.  Iniikot ng parada ang buong ruta ng pahiyas.

(Fiestas are accompanied by parades, of course! It starts at 4:00 in the afternoon. Joining the parade are the beautiful single ladies and men wearing Filipino costumes. Alongside are the majorettes, the marching bands, the healthiest and cleanest carabaos, horses, the giants in costumes representing the products of Lucban. The parade goes around the town following the route of the pahiyas.)

Kasama rin ang mga pinakamalulusog na kabayo sa parada at nagpapakitang gilas kapag nakahinto.

Kasama sa parada ang mga naggagandahang dalaga't binata, suot ang mga Pilipinong kasuotan. (Siyempre, napakalinaw na di ako kasali dahil di naman ako dalaga!! hehe)
Kasama rin ang pinakamalulusog at malilinis na kalabaw sa parada.
Kasama rin ang mga batang majorette at banda sa parada.

Kasama rin ang mga higante na nagdadala ang kasuotang produkto ng Lucban.
Kasama si Vic at ang asawa niya sa kanilang tahanan. 
Pinaghahandaan ng todo ang okasyong ito dahil nakikita mo ang kaayusan at kalinisan ng buong lugar. Karamihan din ng mga tagarito ay naghahanda ng Lucbaning pagkain para sa mga dayo o kamag-anak na nakikipamiyesta sa kanila, inaasahan man o hindi. 


Masaya kami ngayong taon, dahil nag-imbita ang pinsan ng asawa kong, si Vic sa kanilang tahanan. Maraming salamat sa pamilya ni Vic sa kagandahang-loob at masarap na pagkain! Sana'y di kayo madadala!

(The locals anticipate/prepare well for the occasion as you can see the orderliness and cleanliness of the whole place. Most locals prepare food for the visitors or relatives - expected or not who join the fiesta. This year, we’re happy to have been invited by my husband’s cousin, Vic at their home (for a meal). Thank you to Vic and  family for the hospitality and delicious food. Hope you (didn’t have a bad experience with us so you) will invite us again next time.)


Maraming salamat sa pamilya ni Vic sa kagandahang-loob at masarap na pagkain! 


Napakasuwerte din namin dahil tumira kami (labimpito kaming lahat) sa napakagandang bahay ng hipag ni Licette sa Aliliw! Hindi magsasawa at maaaliw ang mga mata mo sa loob ng napakalaking country home style na tahanan dahil punong-puno ng mga magagandang kasangkapan na bagay sa bahay. Nabusog din kami sa malamig na buko juice, saging, papaya, at langka! Masarap din ang aming lutong pagkain! Naging super sarap ang lahat dahil sa mabuting pagkakaibigan at pagsasama-sama! Sana, maulit muli ang ganitong pagkakataon kahit walang piyesta! Maraming maraming salamat sa iyo, Licette!

(We were also very fortunate to have stayed (17 of us) at the beautiful house of Licette’s sister-in-law in Aliliw. Your eyes don’t get bored inside this big country home style house because you see a variety of equipment and decors that coordinate with the house. We also got full of (freshly picked) cold buko juice, bananas, papaya, and jack fruit! The food we cooked also tasted delicious! Everything was super nice because of good friendship, and camaraderie. I hope this won’t be the last time together even for no occasions such as fiestas. Thank you very much, Licette!)

Higit sa lahat - ang mabuting pagkakaibigan at pagsasama-sama!
Napakasuwerte naming tumira (labimpito kaming lahat) sa napakagandang bahay ng hipag ni Licette!
Maaaliw ang mga mata mo sa loob ng napakalaking country home style na tahanan dahil punong-puno ng mga magagandang kasangkapan na bagay sa bahay.
Marami ding iba't ibang punong namumunga rito.

Masarap din ang aming lutong pagkain!  

Ang bayan ng Lucban ay nasa paanan ng bundok-Banahaw. Kaya, malamig ang panahon dito. Masarap at sariwa ang simoy ng hangin dahil marami pang mga punong hindi pa nasisira ng mga dambuhala!

(Lucban town is at the foot of Mt. Banahaw. That’s why the weather is cool here. The breeze is pleasant (cool) and fresh because there are still many trees that have not been cut down by the giants!)


Ang bayan ng Lucban ay nasa paanan ng bundok-Banahaw.  
Sa loob nito ay may mga antigong malalaking sasakyang laruan.
Talaga nga namang may mga taong sobrang pinagpala sa mundo! Nakarating kami sa mga magagandang lugar sa Lucban na di naming sukat marating! Ani mo’y nasa Neverland ka sa lawak at ganda ng mga makikita mo tulad ng pagkakaroon ng palaruan na puno ng mga estatwa ng iba’t-ibang hayop, koleksiyon ng mga antigong malalaking kotseng laruan, mga estatwa ng iba’t–ibang santo na sintaas ng bahay o higit pa. Napakalawak ng lugar na sinlaki na ng isang bayan! Matatanaw mo rito ang magandang hugis ng bundok-Banahaw at buong kanayunan ng Lucban! Sa di kalayuan, nakikita mo ang bangin. Maaari kang bumaba rito at matatanaw mo na naman ang mga estatwa ng mga hayop at bukal na tubig mula sa bundok na dumadaloy sa batis. Hay! Kay sarap sigurong tumira dito!

(There are indeed people who are bountifully blessed in this world! We were able to go to a place in Lucban we didn’t expect to reach! It seems that you’re in Neverland because of its hugeness and  beautiful scenery. You get to see big vintage toy transportation collections, big statues of different saints - as big as a house or even more. The place is so spacious that its size is like a small town. From here, you can view the beautiful shape of Mt. Banahaw and the entire Lucban town. From a distance, you see a cliff. You can descend from here and again see statues of animals and waterfalls that flow toward a stream. Oh, my! It must be nice to live here.)

Makikita mo rito ang buong bayan ng Lucban. May bukal na tubig mula sa bundok na dumadaloy sa batis.
Sa di kalayuan, nakikita mo ang bangin at maaari kang bumaba rito.

Nakakatawang alalahanin ang aming di malilimutang karanasan kung paano kami nakapasok sa malabayang lugar na ito! Naglakas loob akong pumasok dahil inaasahan kong  makakalusot kapag tinanong ako. Sa kasawiang palad, kabaliktaran ang nangyari! Sa totoo lang, nanliit ako at ang mga kasama ko sa pagkarinig ng malatambol na boses . “Sino ang nagpapasok sa mga iyan!” “Bakit mo sila pinapasok?” tanong ng bigatin sa kaniyang caretaker na alam naman naming sadyang ipinaririnig sa amin. Ipinagtabuyan kaming parang mga hayop! Mga lima silang lahat na lumabas mula sa salaming bahay na parang gusto nila kaming ipagtabuyan! Napahiya kaming lahat! Nang lumalakad na kaming papalayo, biglang tinawag ng isa sa kanila ang apelyido ng kaibigan ko. Nagkataong kakilala pala niya ang kaibigan namin. Nabunutan kami ng tinik! Masuwerte pala kami kasi meron kaming sikat na kaibigan! Salamat na lang at may kaibigan kaming may apelyidong Pazziuagan!  

(It’s funny to recall our unforgettable experience how we were able to get inside this place. I was audacious entering the half-open gate hoping that I can give a good reason why we entered when asked. Unfortunately, it was the opposite. In fact, my companions and I felt disparaged when we heard the bombastic sound of a voice, in a hostile manner while we were walking towards the glass house! “Who allowed them to enter?”, “Why did you allow them to enter?” the appearing big shot asked his caretaker but we obviously knew that they were really directed to us (wanted us to hear them). We felt driven away like animals! There were about five of them who came out from the glass house, all wanting to send us away. We were all embarrassed and began to walk away. Suddenly, one of them called my friend’s family name loudly! He coincidentally recognized her. What a relief! We realized we were lucky to have a famous friend! She saved us from embarrassment! Thank you for a having a friend whose family name is Pazziuagan!) 
Nakasulat dito: NO ADMISSION! Paano kami nakapasok sa malabayang lugar na ito?
May kahirapang marating ang paanan ng talon pero mapapawi naman ang kapaguran mo pag nakita mo ang kagandahan nito.
Nakapunta rin kami sa Majayjay falls. Mahirap ang pagbaba at may kalayuan ang pagpunta sa pinakapaanan ng talon ngunit mapapawi naman ang kapaguran pagdating mo dito. Napakalamig at napakalinis ng talon na bumabagsak mula sa bundok! Masarap pagmasdan ang talon! Patunay na punong-puno ng likas-yaman ang Pilipinas na puwedeng maipagmalaki sa buong mundo!  Dapat lang na hangaan tayo ng mga dayuhan! 

(We were also able to go to Majayjay waterfalls. Descending is hard and a bit far to reach the foot of the waterfalls but your tiredness vanishes once you reach the place! The water is very cold and clean coming from the mountain! It’s nice to view the waterfalls! This only proves that Philippines has a wealth of natural resources that we can be proud of to the whole world! We deserve to be admired by the tourists!)

Masarap pagmasdan ang talon! 


 
Napakalamig at napakalinis ng talon na bumabagsak mula sa bundok!

Maraming taong nagpipiknik din dito at nagtetent sa tabing ilog. Sana’y manatiling may panahong magsama-sama ang buong  pamilya o magkakaibigan sa ganitong paraang aktibidad sa kabila ng pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya!
(Many people build their tents and picnic here on the side of the river. I'm hoping families and friends remain to have time to be together doing this kind of activity despite of the advancement of modern technology!) 



Nakarating din kami sa malawak na halamanan at namangha rin kami sa kalusugan ng mga halaman dito. Sa tanda ko, noong huling pumunta ako rito, pinatutugtugan pa ang mga orchids nila upang ito'y mamulaklak nang marami at maganda.

(We also went to a large nursery garden and were amazed to see the healthy plants. I recall, when I last went here, the orchid nursery was provided with loud music so that they would grow healthy and bloom well.)

Nakarating din kami sa malawak na halamanan
Namangha rin kami sa kalusugan ng mga halaman dito.


LUCBANmarami pa kaming dapat galugarin sa iyo. Ikaw ay pinagpala ng masarap na klima at magagandang tanawin! Lucban, manatili kang ganiyan at huwag kang magpasakop ni magpasira sa mga dambula!

(Lucban, there are still a lot of things we need to explore about you! You are blessed with nice climate and beautiful scenery!You need to remain as you are and don’t let yourself conquered or be destroyed by the giants.






LUCBAN, bayan ka ng mga malikhaing personalidad, tulad ng pintor na si Noknok!
(You are the birth place of creative personalities like the painter Noknok.)


LUCBAN, ikaw ay malaparaisong bayan! 
(Lucban, you’re a paradisiacal town!)





Sa mga nakabasa nito, nag-eenjoy din ba kayo sa inyong bakasyon sa Pilipinas? Anong lugar dito, sa palagay ninyo'y kawili-wili? Gusto ko rin po sanang marinig ang inyong karanasan!

(To those who have read this reading, are you also enjoying your vacation in the Philippines? What places do you thing are interesting? I'd also like to hear your experience!)

You can find more reading articles, day-to-day expressions, and  learn Tagalog grammar from my Salitang Pinoy Tagalog Book series. You can buy them at the bookstores or place your orders direct at:
                 Salitang Pinoy Publishing 
                 #38 El Jardin Del Presidente 2 
                 Unit 1-E Sgt. Esguerra St. 
                 Brgy. South Triangle, 
                 Quezon City


If you're interested  to learn Tagalog from me contact me at 09177527142;  salitangpinoybooks@yahoo.com